'' My message to all government employees be it the police, military, lahat na...cabinet members, stop. You just stop. Stop pressing the people hingi dito, hingi dyan...corruption hindi ko talaga matatanggap ‘yan.
If I cannot implement it, I will resign.” Bahagi pa rin ito ng panayam ng media kay presumptive president Rodrigo Duterte, isang araw matapos ang eleksyon noong Mayo 9.
Si presumptive president Rodrigo Duterte
Si presumptive president Rodrigo Duterte
Ibinida pa ni Duterte sa naturang panayam na wala siyang ibinulsa ni singko mula sa kaban ng bayan sa 23 taon ng kanyang pagiging alkalde ng Davao City kaya’t taas-noo umano niyang ipinagmamalaki na malinis ang kanyang panunungkulan.
Dahil dito, wala umano siyang sasantuhin sa hanay ng mga government officials at maging ordinaryong empleyado na masasangkot sa nakawan o katiwalian.
“Look I’ve been mayor of Davao for 23 years I never had any single case of corruption...tapos itong eleksyon sinabi nitong mga unggoy ako pa raw ang corrupt...corrupt sa imo...kayo dyan ang corrupt anong i-corrupt namin dito sa Davao...” anang ‘presumed’ 16th president ng Republika ng Pilipinas.
Maging ang mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ay inunahan na ng uupong pangulo na kung sangkot sa kalakalan ng illegal drugs ay mabuti pang ‘umisplit’ na.
Mas mabuti aniyang sumimple at lumubay “quietly” o ‘di kaya’y mag-alsa balutan na ngayon pa lang para hindi na sila humantong sa punto na magkakapahiyaan pa.
“Loko-lokohin nila general general sipain kita...” ani Duterte.
Hindi na aniya kailangan pang warningan at mas mainam kung kusa nang umigtad at dumistansya ng malayung-malayo sa ilegal na inaatupag ang mga ito.
“Alam nila na sila ang tinutukoy ko...para...to avoid embarrassment of being humiliated you might just want to go quietly,” paalala ni Duterte.
Para naman sa mga drug lord, ito ang mensahe ng incoming president, “Talagang sabi ko sa inyo...delikado kayo...delikado kayo. I promise you that. ‘Pag sinabi kong delikado kayo, patay kayo,” mariing pagbabanta pa ni Duterte.
EmoticonEmoticon
Note: Only a member of this blog may post a comment.